You are currently browsing the tag archive for the ‘Social Networking Sites’ tag.

Interview with RICO FERNANDEZ

[Daniel Veridiano was published as “Sick Man in need of Financial Aid” in the Philippine Daily Inquirer on September 2011. Although Puto had transferred to the Iglesia ni Cristo that is known to be rich and influential (Puto was excommunicated from the Ang Dating Daan or MCGI in 2005), it was clear he was in dire straits because he had openly asked for donations from the public. At the same time, lies were posted on Social Networking sites about Ang Dating Daan or the church organization by one codenamed “Lioncrypt” or Vicfiles, pretending to know some secrets, with the objective of proselytizing members from ADD to the Iglesia ni Cristo. However, the lies were blatant, an overkill, and a desperate attempt to perhaps earn something from the Iglesia ni Cristo whom the lies favored. We had interviewed the man he kept mentioning (Rico Fernandez) and he was able to identify the source of such lies due to some signatures or imprints shown in things mentioned. This is the 3rd part.](Video III)

RICO FERNANDEZ: Tapos isa pa rito, isa pa pong napansin ko sa mga nirereport niya ritong ulat, nung kapatid na siya dito sa iglesia, naghahanap raw sila ng papasukang pag-aaralan. Eh, napunta raw sila dun sa Diliman, eh, sabi raw nila, subukan nilang pumasok doon sa Iglesia ni Manalo, dun sa kapilya. Pinakita raw nila yung ID, pinapasok sila, tapos, nakauwi naman daw sila ng maayos na walang nangyari sa kanila. Hindi na ako magtataka do’n—papapasukin sila, pauuwiin silang maayos. Bakit po? E sinasabi pa niya,e, grade five pa nga lang at seven years old pa lang talagang tagasunod na siya ng iglesia ni Manalo, e. ibig sabihin, nung panahon na iyon, marami na siyang kilala dun, paanong hindi siya papapasukin at hndi siya palalabasin? Eh, siya mismo ang nagsasabi. Grade..grade..five pa lang siya, seven years old pa lang siya e, tagasunod na siya ni Manalo, o..kaya..tapos sasabihin niya medaling pumasok doon at lumabas..hindi po totoo iyon. Hindi totoo ‘yon. Pero dito nyo gawin sa amin ‘yon, makakapaglabas masok kayo kahit wala kayong ID, makakapasok kayo ng maayos, makakakain pa kayo ng meryenda, makakauwi kayo ng maayos. Minsan nga, ihahatid pa kayo pag wala kayong sasakyan. At yung iba pa nga, minsan, yung pamasahe nila, sinasagot ni Bro. Eli. O, ganyan. Pero yung sinasabi niya na dun daw sa pagpasok sa..sa New Era tsaka dun sa kapilya ng Iglesia ni Manalo, madali? Paanong hindi magiging madali sa kanya eh talagang kilala siya nung mga iyon kaya madali sa kanya iyon. ‘Yon.

Tapos sabi pa rito, pinalilitaw niya rito, ahm..wala daw death threat kay Bro. Eli kaya raw, ah..nang mag-organize daw sila ng debate, wala daw totoong death threat kay Bro. Eli. Hindi po totoo yun. Bakit po? Kasi po as early as mga 1990..1994,nung matira na ako sa Apalit, si Bro. Eli, pinadadalhan na ng death threat noon pa lang. Ang isang death threat na pinapadala sa kanya, nagpadala ng sobre, merong ribbon ng itim sa loob. Death threat talaga siya na talagang nung pa mang mga panahon na iyon, marami na talagang gustong puminsala kay Bro. Eli. Kaya hindi totoo ito. Kasi, yung mga record ng mga death threat komo may hawak ako dun sa mga records, meron din akong mga alam na talagang may mga alam doon na death threats,minsan, may mga pinadadala dun kay Bro. Eli na kung sa iyo ipadadala, pag hindi nanindig lahat ng balahibo mo pag sa iyo pinadala iyon.

Tapos, eto isa. Sabi niya rito, heto yung verbatim niya: eto, sabi niya dito, sa mga panahong yaon daw, sabi niya, nagtapat ako kay Rico Fernandez. Sinabi ko ang mga sinabi ni Marcos. Si Marcos Mataro. Sinabi ko rin na dapat may tumutok na empleyadong sweldohan sa gayong uri ng trabaho. Hindi pwedeng maayos ang gayong mga bagay ng puro ganito na lang. Ahh.. na tulad nating walang sweldo. Tanong? Nakasama ba talaga kita sa record. Ba’t sinasabi mong natin? Kasama ba talaga kita? Sabi ko raw, sabi raw ni Rico, yan ang problema, di uso dito ang may sweldo. Kaya para mo na ring sinabi na hindi ito maaayos. Sabi ko, ganun nga, kung hindi magbabago ang sistema, hindi maaayos. Ah..magmula raw noon, tuwing mag uusap raw sila ni Rico, lalong lumalaki ang problema daw ni Rico. Ang mga huli naming pag uusap ay hindi maganda. Parang nagpapahiwatig na malapit na siyang mamatay. Malapit na raw mamatay si Rico (Giggles). Kaya nung umalis ako sa ADD, akala ko, pinapatay na rin nila si Rico Fernandez. Aba! Buhay na buhay pa po ako. (Laughs). May mga sumulpot na mga info sa akin, na buhay pa pala. Aba! Natuwa pa pala na buhay pa ako. Sana makatakas siya ng buhay sa poder ng mag tiyuhing Soriano at Razon.(Giggles) Buhay..buhay na buhay pa po ako. (Giggles) buhay..buhay na buhay pa po ako. Ang sabi niya rito na tuwing daw mag uusap kami, lumalaki ang problema ko. E, papanong..papaano ko masasabing itong sinasabi mong ito’y totoo?

Magpakilala ka kasi kung sino ka. Di ba? Para I claim mo na nagtatapat ako sa iyo ng mga ganitong sinasabi, e.. magpakita ka muna kung sino ka. Bakit? Eh, papano ko sasabihing totoo ito, e hindi nga kita kiala. Nagtatago ka nga. At na..nakita ko nga dito, sa lahat ng mga ipinagsusulat mo dito, lahat ito, ginawa mo lang.

Pinagtagpi-tagpi mo lang at hindi pa nga maayos ang pagkaka tagpi. Bakit? Ang daming butas eh. Ang daming butas ang ipinakikita na hindi totoo lahat ng sinasabi mo rito. ‘Yung unang una, na pitong taon ka lang, nagbabasa ka na ng biblia, at grade five ka na.(giggles) E, unang una pa lang mali na. Bakit, meron bang pitong taong grade five? Tapos, ah..sabi mo no’n, hindi mo maintindihan ang Biblia pero nang binasa mo yung sinabi ng iglesia ni Manalo na pag walang basehan sa biblia, dapat itakwil, maiintindihan mo bigla. O, dun pa lang kitang kita na na kinatha mo lang. tapos yung sinasabi mo rito na lumalaki yung problema ko dahil hindi maayos ang record. E,anun bang record ang aayusin, e, isa nga lang logbook iyon.(Giggles) Imposible yun.

Tapos, sabi mo, ah..nagsabi raw ako sa iyo na ang huling usapan daw natin..e, nagpapahiwatig daw ako na malapit na akong mamatay? Ano naman kaya ang sinabi ko na malapit na akong mamatay? Tapos ang sabi niya, nun daw umalis siya sa ADD..parang pinapatay na rin nila si Rico Fernandez. Aba! Ito e talagang halatang halata na na kinatha mo lang e. Bakit? Buhay ako at makakapagsabi ako, ano, na makakaharap ako kahit kanino na hindi totoo itong sinasabi mo na pinapatay ako at meron akong sinabi na mamatay na ako? Imposible yon! Bakit? Nung nasa iglesia ako, ang paniniwala ko, ang paniniwala ko nung nasa iglesia ako, kahit mamatay ako nung oras na iyon, pwede. Bakit? E, nasa iglesia akong totoo e. maliligtas ako. Yun ang paniniwala ko. Yung sinasabi mong pinapatay nila ako nung umalis ka, imposible yun. Bakit? Dito sa iglesia, hindi pinapatay ang kaanib. Binubuhay. Bakit?

Sa labas ng iglesia, dun pinapatay. Dun sa pinuntahan no diyan sa iglesia ni Manalo, hindi ka pinapatay diyan. Patay ka na diyan. Niluluto ka na diyan. Pero pagka dito sa iglesia, kabaliktaran yung sinasabi mo e. Ang sinasabi mo, pinapatay daw at akala mo patay na. Dito sa loob ng iglesia na pinamumunuan ni Kapatid na Eli at Kapatid na Daniel, dito nga binubuhay. Dito binubuhay ang tao. Hindi lang do’n sa..sa espiritwal na kalagayan kundi pati dun sa pisikal. Bakit? E, saan ka makakakita nung mangangaral na hindi lang ang malasakit sa iyo yung maligtas ka, pati yung kalusugan mo, pati yung dapat mong kainin, pati yung dapat mong iwasan para makapaglingkod ka ng buong sigla, buong katawan, buong puso, pag-iisip, lahat yun minamalasakit nung mangangaral. Kaya yung sinasabi mo na pinapatay sa iglesia si Rico Fenandez , imposible ito.

Ang mas maganda nito, para masabi mo talagang totoo ito, lumabas ka. Di ba? Magpakita ka. Magpakita ka ng mukha mo. Magbigay ka ng totoong pangalan mo di yung gawa-gawa. At dito sa sasabihin ko, sa natatandaan ko, sa tagal kong humawak ng records sa iglesia nung panahon na iyon, wala akong nakatulong na mag-asawa. Wala. Wala akong nakatulong na mag-asawa. Karamihan ng mga katulong ko noon, binata at tsaka dalaga. Nagsipag-asawa na lang sila nitong mga late 19..2000 na nagsipagasawa bilang..pa lang sila. Pero nung oras na katulong ko sa..sila sa records ng iglesia, walang ano yun..walang..wala pa silang asawa nun. Kaya, kung sinasabi mo na may asawa ka ng katulong kita sa records, imposible yan. Hindi totoo ‘yan. Tapos isa pang napansin ko dito, kilala ko kasi yung isang sinasabi niya rito e. Itong si Ruel Pinyon daw at itong si..Bro. Roy Galang, kilala ko kasi itong dalawang ito. Itong si Bro. Ruel Pinyon at si Bro. Roy Galang, ang sabi niya rito, ito daw dalawang ito, kandidato na maging MIC.

Para sa kaalaman nyo po, yung MIC, kelan lang ‘yon. Kelan lang ginamit yung pangalan na ‘yon. Nung buhay pa si Bro. Ruel Pinyon, ang natatandaan ko OIC pa lang noon. Kandidato silang OIC, pero hindi MIC. Kaya mali nanaman itong sinasabi mo rito. Tapos pati yung pagkamatay ni Bro. Ruel Pinyon idinamay mo pa rito. Hindi naman totoo yung sinasabi mo na na food poisoning sa Apalit. Tapos ang sabi pa rito, ang pinaghihinalaan mo at ang idinidiin mo si Bro. Efren Baquing daw ang namamahala ng pagkain noon, imposible yun! Bakit po. E, kahit kelan hindi namahala ng pagkain sa iglesia si Bro. Efren. Hindi..hindi siya namahala ng pagkain sa iglesia. Ang namamahala ng pagkain sa iglesia pagka may aralan, si Sis Len Manabat at si Sis. Ape, si Sis. Pening—yung asawa ni Bro. Boy, puro babae ang namamahala ng pagkain sa iglesia. Kaya yung idinidiin mo si Bro. Efren, walang kaimik-imik yung tao, idinamay mo dito sa isinusulat mo, imposible yun. Bakit? Buhay na buhay ako dito at makakapagpatotoo ako na yung sinasabi mo rito, e lahat ito, puro kasinungalingan. Walang totoo dito.

Meron ka pang sinasabing special projects ng ADD. Maraming maraming kalokohan itong pinagsasasabi mo rito. Tapos pati yung pagpatay kay Bro. Marcos si Bro. Efren daw ang gumawa dahil kapatid daw niya si Kumander Pusa. E, sino ba si Kumander Pusa? (Giggles) Sige nga. Ilitaw mo nga yung sinasabi mong Kumander Pusa. Ako nga e, hindi ko kilala yun eh. Yung sinasabi mong Kumander Pusa baka si ano yon..si Felix da Cat (Giggles). Kumander Pusa..kaya masasabi ko po dito sa mga pinagsasabi niya rito, ito po, pinagtagpi-tagpi lang niya ito para makapanira. Meron mga taong malalaking nasa..nasa likod niya na pinagtulung-tulungan nila ito pero sa kapangyarihan at awa ng Dios, eh, hindi naman po maililigaw yung talagang naghahanap ng totoo. Bakit po? Eh, lilitaw at lilitaw, makikita mo ang daming butas itong sinasabi nila e. Ang daming sinasabi nila, e, talagang hindi totoo at makikita po pagka hindi ka man maglilipat ng page, makakakita ka ng mali e.

Lalo na pag si Bro. Eli ang nagbasa nito, naku! Katakot-takot na mali ang makikita rito, di ba? Dun pa nga lang sa una kong napansin kanina yung e.. grade..pitong taon e grade five at di marunong magbasa ng una, pero natutong magbasa nung marinig yung iglesia ni Manalo nung grade five daw siya nung pitong taon. E, yun pa lang, talagang ah..kitang-kita na na hindi totoo. At kung lilitaw man itong tao na ito, na nagsasabi nitong mga ito, e, nakahanda akong humarap. Patototohanan ko sa kanya na yung mga sinasabi niya hindi lahat totoo yan. Yung mga sinabi niya, kinatha lang yan at merong mga tao na nasa likod niya na gumawa nitong mga katha-katha nito.

Hindi na kami magtataka kung sino itong mga ito. Bakit? Simula noon pa man kinakatha nyo na si Bro. Eli hanggang ngayon hindi nyo pa tinitigilan eh. At maaaring sa hinaharap eh hindi nyo pa rin titigilan. Nakahanda na kami doon at alam namin na talagang hindi nyo titigilang gawin iyan hanggang sa paghuhukom gagawin nyo siguro iyan. Pero yun talagang lingkod ng Dios at talagang nanaantili sa pagtatapat sa Dios, ay kahit anong gawin ninyong ganito, hindi ninyo madadaya. Yon lang po ang masasabi ko.

ADDPUBS: Palagay nyo po, sino po ang gumagamit ng pangalang Lioncrypt alyas Vicfiles?

RICO FERNANDEZ : Ah, yung gumagamit noon, a, eto sa sarili ano ko lang, yung sinasabi niyang Lioncrypt at tsaka yung Vicfiles , ah, sa, sa, sa karanasan sa dami nung paninirang ginawa kay Bro.Eli, at tsaka doon sa..sa pagkakahanay nung mga ginamit dito, mapapansin mo dito, dun sa mga pinaggagamit niya, gumamit siya ng pangalan, gumamit siya ng istorya. Ah..gumamit siya ng mga kasaysayan nung mga tao na binabalu-baluktot lang nila eh, isa lang ang masasabi kong may alam dito sa mga ito—at iyon ay walang iba kundi si Daniel Veridiano.

Siya ang malamang na gumawa nitong mga katha-katha na ito kasi yung iba namang mga nakasama niya doon, wala naman silang alam dito sa mga nakasulat dito eh. Karamihan dito, mga bago lang nangyari yung mga sinasabi nila, hindi naman ito yung mga panahong mga matagal na bago ako naanib o kaya nung pagka anib ko eh. Napansin ko dito, karamihan nung sinasabi nila dito, nangyari ito nung maanib si Puto. Karamihan dito. Kaya sa recollection ko, itong mga sinasabi niyang mga nangyari dito, nangyari ito nung nandito pa at kasama pa namin dito si Daniel Veridiano. Kaya ang pinaka resource nila na pinanggalingan nitong mga detalye na ito na pinagbalu-baluktot nila, siya ang nakikita kong pinanggalingan nito. Si Daniel Veridiano.

ADDPUBS : Parang pinapatunog lang po diyan na..

RICO FERNANDEZ: Oo. Pinapatunog niya rito na meron daw mag-asawa, meron daw sa records. Kasi ang natatandaan ko lang naman na..na huli kong nakausap bago ko it tinurn-over ang mga records ng iglesia yung sa ..sa kay Bro. Milan at Bro. Marcos yung reperensiya. Siya ang kausap ko noon eh. Komo na..komo nagkaroon siya ng ah..ng authority doon sa listahan nung mga kapatid sa pag aayos nung biodata ng mga kapatid, atsaka nakita niya yung mga records na hinawakan ko din noon, nung panahon na iyon, kaya ang talagang number one na pinaghihinalaan ko na nasa likod nitong mga istoryang ito, si Daniel Veridiano. Siya ang nakikita kong gumawa nito.

ADDPUBS : Salamat po sa Dios.

RICO FERNANDEZ : Meron pa tayong ano, Bro…

ADDPUBS: Kung meron man pong..

RICO FERNANDEZ : Yung..yung inaalam natin yung pangalan nung tao, walang ganung tao Bro, kahit anong ano ang hanapin mo, wala kang makikita.

ADDPUBS: Kahit sa ADDCIT po pinapa trace namin.

RICO FERNANDEZ: Wala. Kasi, wala namang kapatid na..sa natatandaan ko ha? Walang kapatid na naging..napupunta sa records, napunta sa ADDPro, lahat pinagdaanan, walang ganun..

ADDPUBS: Tapos paangat ng paangat?

RICO FERNANDEZ: Walang ganun.

ADDPUBS: Hindi kapani-paniwala..

RICO FERNANDEZ: Wala. Pag napunta ka sa QUAT, hanggang QUAT ka lang, doon ka. Kung dibisyon ka, doon ka sa dibisyon.

ADDPUBS : Pero para, kung baga sa isang grupo lumipat sumama sa iba.

BRO: RICO: Talon talon siya ng tungkulin? Hindi totoo ‘yun. Yung hinahanap na pangalan kung sino talaga ito? Ah..Ililigaw ka lang nun. Wala talagang nung gano’ng tao.

ADDPUBS: Bale, hindi po totoong diyakono po.

RICO FERNANDEZ : Ahm..maaaring..ano yon..maaaring yung sinasabi nilang dyakono ng V. Luna, sinasabi nilang diakono ng V.Luna, siyempre pag ipinagtanong mo yun, meron talagang diakono dun. Di ba? May talagang diakono dun. Ang tanong, yun bang diakono na iyon bang talagang may gawa nito? Kasi, komo magkakasabwat sila, pwede naman niyang sabihin dun sa diakono, O, aminin mo na ikaw ang gumawa. Oo. Pang divert lang yun. Pero dun sa nakikita ko na pinagtagpi-tagpi niyang istorya, dito, e, si Puto ang pinaghihinalahan ko nito. Bakit? Yung ibang mga lumipat doon, wala silang ganoong ka lalim na kaalaman doon sa circle ng confidentiality ng iglesia. Malapit ito dahil pinag-uusapan dito, e, records. Ang pinag-uusapan dito si Bro. Marcos, si Bro. Ruel Pinyon..e, hindi lahat ng kapatid kilala yun e.

ADDPUBS : Oo nga po.

RICO FERNANDEZ : Hindi..yung marami diyan, yung mga sinasabi nilang pangalan, kagaya nung pagkamatay ni Bro. Romy..Espanyol, di ba? Tingnan mo ha, isa isahin ko dito: name ni Bro. Marcos, pagkamatay ni Romy Espanyol, yung pagkamatay ni Bro. Ruel Pinyon…

ADDPUBS : Tapos, kayo daw po, malapit ng mamatay.

RICO FERNANDEZ : Tapos ako, malapit na ako..(Laughs) baka ipinanalangin niya akong mamatay. Yon, yung mga ano na iyon, itong mga ito, tapos meron pa siyang sinasabi ritong ano e.. taga ADDCIT. Yun daw nagha hack. Yung Ramil..tingnan ko yung pangalan niya ha? Ito mahahalata mo rito, hindi malayo ito e. Bakit? Kilala niya yung mga tao e. Yung Ramil, nasan ba yung pangalan nung Ramil.. yun daw natutuwa pa raw si Bro. Eli na nakaka-hack sila. Nakita ko dito yun e. Kunin ko lang yung pangalan dito. Ang pangalan niya Ramil..teka..mahirap pag hindi mo na ano e…tapos tingnan mo dito—maski, pati pangalan ni Bro. Tony Santos . Level ano yung sabi niya rito? Yun daw ano, bawal kasi na iyan ay lumabas ng ADD Compound ng walang kasamang MIC o manggagawa na ka-level ni Tony Santos. Sino daw ang bawal? Si Bro. Marcos? Imposible yun! (laughs). E, si Bro. Marcos ang lakas ng loob, pumupunta nga ng Divisoria mag-isa yun e. Namimili ng salamin eh.

Matigas ang ulo ni Bro. Marcos eh pagdating diyan. Hindi mo siya kayang pigilan kahit may kasama siya o wala. Namimili ng Divisoria yun, namimili siya dun, ang negosyo kasi niya, ni Bro. Marcos, nagtitinda siya nung mga shades tsaka reading glass. Si Bro. Marcos, hindi mo masisindak yan. Pupunta ng Divisoriang mag-isa yang mamimili do’n. Didistino yang mag-isa yan, walang bodyguard yan. Wala. At tsaka dito, wala naman dito nung panahon naming non, nung mga nauna. Wala, di yun lumalakad ng may bodyguard. Hindi uso yun (giggles).

Si Bro. Tony pa! Si Bro. Tony Santos pa raw! Ano yung pangalan ng kapatid na sinasabi niyang..teka..tingnan ko lang dito. Ipinagmamalaki raw niya dito na siya raw, nangha hack rin. Makikita mo rito, nagbibigay siya ng clue kung ano yung mga pinaggagagawa niya e. Nangha- hack siya, tapos may hawak, naghawak rin siya ng record. Ito..ang sinasabi niyang pangalan dito, si Rommel Yap Malapira. Si Bro. Rommel Yap (tsk)si Bro. Jeff yata ito—yung payat. Yung nasa abroad na siya ngayon. Yan. Ang alam ko, ang mga nakakakilala rito sa mga ito, si Daniel Veridiano talaga.

ADDPUBS : Tsaka ano daw po, naabutan daw po niya yung mga records po na…

RICO FERNANDEZ : Opo. Pero hacker siya. Tingnan mo, bali-baliktad yung mga sinasabi niya. Sabi niya nung una, ha, mahirap raw ayusin yung records ng iglesia. Di ba sabi niya mahirap daw ayusin yung records ng iglesia. Kahit daw nung tumulong na siya, hindi pa din maayos. Pagdating dito, paglitaw dito sa bandang huli, sinasabi niya, magaling pala siya sa computer. E, kasi, marunong siyang mag-hack, tapos ah..nakasama pa raw niya yung Rommel Yap. Ang kung hindi ako nagkakamali, itong Rommel Yap, ito eh graphic designer na magaling din sa computer. E, sino ba ang mga sirkulong kasama dun sa computer? Yung mga taga ADDCIT.

Ang may hawak noon sa ADDCIT, yung merong authority sa records nung mga panahon na iyon na nandito pa siya, wala ng iba kundi si Daniel Veridiano . Siya talaga yung lumilitaw dito. Tapos pinalilitaw pa niya rito, naaawa siya sa akin. Yun ang pinalilitaw niya rito e, naaawa daw siya sa akin, dahil ako daw ay pinapatay dito, sana raw makasama nila ako doon, yun ang pinalilitaw niya. Nagpapaawa siya. E, kahit ano siguro gawin mo, hwag loobin..hwag loobin ng Dios na mangyari yun na lilipat ako diyan na dito nga binubuhay ako e. Kaya dito, kitang kita dito ang mayor parte nung..nung..mga pinaglalagay rito, si Daniel Veridiano ang gumawa nito. Siya ang gumawa niyan. Oo. Oo.

Kasi sinasabi niya rito na nung wala pang computer hanggang magkaroon na ng computer, hanggang nagha-hack na nga sila. E..alam na alam mo, ang gumagawa nito may kinalaman siya dun sa guamagawa kasi hindi naman niya masasabi yun kung hindi niya ginawa talaga—kung wala siyang kaalaman talaga. At tsaka nung magbigay siya ng mga pangalan ng mga tao, magbigay siya ng mga pangalan, at tsaka, ito, sabi niya, ang nagdoktrina daw sa kanya si Bro. Eli. Si Bro. Eli, si Bro. Jocel at tsaka si sis. Baby. E, kalian bang nagsimulang magdoktrina si Bro. Eli? Noong maanib ako, hindi nag dodoktrina si Bro. Eli. Ni hindi nga siya nagbabawtismo eh. Si Bro. Eli? Hindi..hindi siya..yung nagdodoktrina na nagpupunta sa local magdodoktrina?

Nagsimula lang mag doktrina si Bro. Eli pagkatapos mag Bible Exposition sa..sa Munoz—sa barracks. Kasi komo siya yung nag bible exposition, yung project ni Bro.Daniel noon, nag anyaya sila nung mga..ng mga kilalang tao, mga may pinag aralan tapos nagsimula yung bible exposition noon sa barracks sa Munoz. Pagkatapos nung Bible Exposition, si Bro. Eli ang nag doktrina.

ADDPUBS : Nineteen ano po…

RICO FERNANDEZ: Nagsimula yung doktrina ni Bro. Eli…

ADDPUBS : Sa tape po. Sa tape na lang ano? Nagdodoktrina siya do’n..kelan ba nagsimula ang bible expo.

RICO FERNANDEZ : nagsimula ang bible expo..mga..kung di ako nagkakamali..mga ’94, ’95.

ADDPUBS : Nakalipat na po?

RICO FERNANDEZ : Ah, hindi pa. mga ’94, ’95. Tapos yung..yung batch ni Puto, inabot na ng pagdodoktrina ni Bro. Eli yun. Inabot na niya yun. Kasi yung batch nila, kung hindi ako nagkakamali, ang kasabay nila nun, sina Glenn eh. Sina Bro. Glenn Labung. Sila ang magkaka batch sa seminar noon. Yung karamihan sa mga ka batch niya, yun ang nakatulong ni Bro. Eli ngayon sa kusina. Tapos nagkaroon sila ng iba ibang pwesto dito sa..dito sa iglesia.

ADDPUBS : ’94 po to ’96?

RICO FERNANDEZ : Mga…tanong mo kay Bro. Glenn kung kelan siya nabawtismuhan. Pero hindi sila yung una doon sa batch nung nagdoktrina si Bro. Eli. Di ko matandaan yung eksaktong taon kung kelan siya nagkaroon ng..mass indoctrination doon eh. Mass indoctrination yun e. Si Bro. Eli, hindi naman siya yung nagdodoktrina ng paisa-isa e. Siyempre, napakarami niyang trabaho e. Nagra radio siya, nagti tv.

Nakakapagdoktrina siya, yung maramihang tao rin lang yung makikinig. Tapos, yun nga, hindi pa niya tuluy-tuloy na nagagawa yung doktrina. Mayroong mga manggagawang pinagtitiwalaan siya, ah,pag wa..pag di siya available, halimbawa, nagra radio siya, yun muna ang nagdo doktrina. Malamang nga nun, si sis Baby, Bro. Jocel, si..sina Bro. Efren di pa masyado noon eh. Di pa sila nakakatulong sa ganoon noon eh, kasi, ang Manila noon, ang may hawak ng Manila noon, ang OIC sa Maynila, ang unang OIC sa Manila noon si Bro. Jocel at si Kuya. Si Bro. Jocel at si Bro. Daniel. Yung nung Mass Indoctrination, Bible Exposition, sila yung mga nakakatulong noon tsaka sina Sis. Baby ah..Re..de Jesus. Sila nun, nung panahon na iyon. Kalian.. I trace mo siya. Kalian..kailan ba itiniwalag si Puto? Makikita nyo sa record nyo. I trace mo siya kung..

ADDPUBS : Bago po ata nangibang bansa si Bro. Eli..

RICO FERNANDEZ : Oo. Bago nangibang bansa, I trace mo siya, pagkatapos I trace mo siya kung kelan siya nabawtismuhan, may record naman tayo, makikita mo kung ilang taon. Malalaman mo ang lahat..mga ten years. Kasi umalis si Bro. Eli ng Pilipinas 2005. Kaya kung mga 1995 siya nadoktrinahan, malamang..

ADDPUBS : Parang kino connect?

RICO FERNANDEZ : Kasi ano yan eh, yung mga gumagawa niyan, yung ganito Bro, yung ano lang naman, analysis ko lang, yung gumagawa ng ganito, bagaman karamihan dito hindi totoo, naglalagay sila noong maaari silang makilala para ma claim nila yung article. Nag- iiwan sila ng mga kapra-kaprasong pwede mong mapa-… kung baga sa isang ano..sa isang nag iimbistiga, nag iiwan siya ng..ng mga hint ng mga ano..hindi siya ah..hindi siya..ah..hindi siya visual. Hindi mo kaagad siya makikita. Hindi mo kaagad siya mapapansin. Mapapansin mo lang siya pagka sinuri mong mabuti yung ginawa niya kasi bawat tao na gumagawa ng artikulo, meron siyang sariling signature ayon sa pinag aralan ko. Meron siyang sariling signature, yun ang sarili niyang style. Yun ang sarili niyang style.

ADDPUBS: Kaya kahit magbago-bago pa siya ng identity..

RICO FERNANDEZ: Oo. kahit bagu baguhin pa niya ang identiy, may mati trace ka pa rin na sa kanya ‘yon. Kagaya ng sinasabi niya na sampung taon siya, tapos sinasabi niya may re..may hawak siyang record, sinasabi niya naging hacker siya. O, dun mapagdudugtong dugtong mo na na nagbibigay siya ng link kung sino siya pero hindi niya inaamin na siya yun. Kasi ang sinasabi niya, may asawa siya, e, wala naman siyang..wala namang asawa si Puto,di ba? Tapos sinasabi niyang nang maanib siya, may asawa na siya. Maaari ngang totoo, a..malapit sila nung nag-aaral siya sa kapilya ng iglesia ni Manalo. Yun maaaring totoo iyon. Maaaring noong bata pa siya nakikinig na siya sa aral nung mga iyon, maaaring totoo ‘yun kasi wala tayong basis dun. Yun maaaring totoo ‘yun.

ADDPUBS : At least yun mapaninindigan nyo yun.

RICO FERNANDEZ : Oo. Mapaninindigan natin ito kahit saan makarating ito. Dahil sa..sa Awa ng Dios, marami pa naman akong natatandaan sa mga..nangyari noon.

ADDPUBS : Kung baga sa..may mga part siyang nilalagay na halaw din sa sarili niyang buhay para tanungin man siya, madali niyang masagot dahil kabisado niya.

RICO FERNANDEZ : Oo, dahil kabisado niya. Kung.. kasi kung gagawa ka ng katha na 100%, katha na wala kang personal na knowledge nun, madali kang maipit, di ba? Pero kung may personal knowledge ka in.. inilapat mo yung sarili mo dun sa ginawa mo, makikita mo ro’n, kaya mo siyang I depensa kahit binaluktot mo siya. Sa kanya mismo.

ADDPUBS: Kakabisaduhin naman niya yung..

RICO FERNANDEZ : Komo siya naman ang bumaluktot nun, kayang kaya niya di ba? ngayon ang ..ang..epekto nun, komo nga hindi totoo yung nakasulat, may mga sinulat siya na hindi na niya napansin, nagkokontra-kontra. Inconsistent na siya.

ADDPUBS: Dun siya mahahalata.

RICO FERNANDEZ : Dun siya mahahalata. Ganun siya. Ililigaw lang niya yung pangalan talaga eh. Kaya hindi niya mailagay yung pangalan niya dito, kasi magbigay lang siya ng konting hint sa pangalan niya, sa address niya, kung saan siya nakatira, ay, makikita mo na talaga kung sino yung gumawa di ba? Makikita na natin kung sino yung gumawa.

ADDPUBS: Kasi yung Daniel Veridiano sira na yung pangalan niya..

RICO FERNANDEZ : Ah.. oo.

ADDPUBS: Kaya gumagamit na lang ng alyas.

RICO FERNANDEZ: At tsaka ano, hindi talaga sila makalantad ng mga pangalan nila, kasi may mga sinulat siya rito, libelous eh. May mga sinulat siya dito, pwede siyang mademanda ng ano, ng libel dib a? Kagaya nung mga akusasyon kay Bro. Efren, si Bro. Efren daw ang puno ng paglalason, puno ng pagpatay kay Bro. Marcos. E yung mga akusasyon na iyon, lumitaw ang pangalan nito, madedemanda ito ng katakut-takot na..wala tayong pangalan na ano, mapapatunayang ano..yun na yon, Bro. hindi siya nagbibigay ng talagang identity ng isang tao lang kasi alam nila, mate trace at mate trace sila. Kung isang tao lang ang may alam ng lahat ng ito, matetrace at matetrace lahat yun eh. Makikita natin lahat yun. Basta ang naaano ko..nakikita ko dito, si Puto gumawa niyan! #

Advertisements

Pages

November 2017
M T W T F S S
« Feb    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Categories

Top Clicks

  • None

Pages

Blog Stats

  • 64,641 hits