You are currently browsing the tag archive for the ‘proselytizing’ tag.

[Testimony of a brother that Lioncrypt intended to use to back up his own lies in Net54 and other forums controlled by the Iglesia ni Cristo. “No, I pray to God that I will never follow you to where you went,” Rico Fernandez laughs with scorn. Lioncrypt appeared selling information. Find out who benefits most from the disinformation attempted by Lioncrypt. This is the transcript for Video II. In Video III, the identity is uncovered.]

RICO FERNANDEZ: Nung dumating ako sa Iglesia, ang dinatnan kong nag-aasikaso ng mga dokumento, si Sis. Len Manabat, si Bro. Jimboy Batak, si Bro. Bien Vineles, si Willie Santiago at tsaka si Jocelyn Pamintuan. Pero nung natira lang ako ng Apalit nung magsimulang magkaroon ng OIC noong May 1993. Kaya ako natira sa Apalit, hindi dahil sa records. Kaya ako natira sa Apalit dahil kelangan ng mag-aasikaso ng mga pagpapadala ng sulat sa mga kapatid sa abroad. Pagpapadala ng mga sualt, pagpapadala ng mga tape para masustinihan yung pangngailangang ispiritwal ng mga kapatid sa abroad. Hindi ang pangunahing tungkulin ko sa Iglesia kaya ako natira sa Apalit ay para mag asikaso ng records ng Iglesia dahil nung panahon na yon, meron ng sistemang pinaiiral noon sa records na mismong si Bro. Eli at si Bro. Boy Dimalanta ang nakakaalam.

Ngayon, nang matira ako sa Apalit, dahil katulong na rin ako sa pagmamantine ng ibang mga dokumento sa Apalit, ang kasunod na nabigay sa akin na tungkulin non, mag ayos ng mga reperensiya. Yung mga binabasa ni Bro. Eli na National Geographics, yung mga reperensiya ng ginagamit sa diskusyon, yun ang medyo yun ang mayor parte ng mga dokumentong inaasikaso namin. Hindi pa naming inaasikaso noon yung mga papel ng mga kapatid na mga nabawtismuhan. Ngayon, ang nag aasikaso non ay si Bro. Boy Dimalanta nung mga nababautismuhan dahil noon, hindi pa masyadong maraming mga kapatid ang talaan ng mga kapatid, nasa logbook na galing sa SEC na kulay blue. Lahat ng kapatid na nabawtismuhan nung panahon na mangasiwa na si Bro. Eli, nagkaroon na tayo ng establisadong pangalan sa SEC, lahat ng kapatid nakalista doon sa log book. Sa log book na isina submit natin sa SEC pagka mapupuno na siya, tapos magrerequest na tayo ng bagong log book kaya meron tayong kompletong listahan ng mga kapatid nung panahon na iyon. Meron ng maayos.

Ngayon komo dumarami yung mga kapatid, noon pa lang kami nagsimula na gumawa ng biodata. Kasi hindi naman namin masyadong pinapansin noon dahil nung panahon na iyon, maliit pa lang yung pasalamatan, halos lahat ng kakapatid magkakakilala. Magkakasalubong ka sa daan, kilala mo lahat nung kapatid kaya nga pag may absent na kapatid alam mo agad na absent. Bakit? Hindi mo kasi siya nakita nung araw na iyon. Ganon ang kapatid noon kasi hindi pa naman kami masyadong marami nung panahon na iyon. 1990’s hanggang 1995. Dumami lang ang kapatid na nagsimulang dumami, nung bago tayo lumipat dito sa bagong pasalamatan. Dito sa Sampalok sa bagong pasalamatan , mga 1996 yon. Nung mga panahon na iyon na mga 1996, meron na rin kaming maayos na dokumento noon ng mga biodata ng mga kapatid. Kasi, nagsisimula ng magkaroon ng kaayusan sa mga local. Naglagay na ng mga sekretarya, naglagay na ng mga presidente ng local at sila na ang nagsa submit ng report para masustinihan yung mga pangangailangan ng kapatid at tsaka ma monitor yung mga kapatid na dumadalo.

Kaya as early as 1990..1994, ah..hanggang noong tumigil na ako sa pag aasikaso ng mga dokumento ng mga 1999, meron na tayong kompletong talaan ng kapatid, namo monitor ang mga kapatid na dumadalo, namomonitor ang kapatid na hindi dumadalo, meron na tayo nun. Meron na tayong biodatang hawak noon as early as 1994 kasi kami na ang gumawa ng mga biodata noon, bukod doon sa sa mga pinipirmahan ng kapatid sa baustismo, yun nga yung log book na galing sa SEC. Tapos nung talagang dumadami na ng dumadami yung mga kapatid paglipat natin ng 1996, nagsimula na tayong magkaroon ng tracking para sa mga kapatid na gumawa ng bagong biodata.

Naging computerized na tayo paglipat natin dito sa bagong pasalamatan. At nagkaroon na rin no’n ng AMS. Nagkaroon ng AMS kung saan sa pamamagitan ng computer, na sa pamamagitan ng technology, mabilis na naita transmit dito sa central yung attendance ng mga kapatid yung talaan ng mga kapatid na dumalo atsaka maging nung bago tayo magkaroon ng ganong computerized na sistema, meron na rin noong listahan ng attendance sa mga local kaya hindi pwedeng sabihin na yung mga kapatid nawawaglit na hindi dumadalo.

Hindi totoo yon, kasi noon, as early as noong panahon na iyon, si Bro. Eli, ang pagsiskap niyang maipon ang mga kapatid, e, mukha ngang mas matindi pa noon kesa ngayon. Bakit? Kasi noong panahon na iyon, halos lahat ng kapatid kilala niya. Pag merong kapatid na hindi niya nakita sa pasalamat, itatanong niya agad kung bakit di dumadalo yung kapatid. Siya mismo personal niya, inaalam niya bakit yung kapatid wala ba’t di niya nakita. At malalaman niya at malalaman niya kung bakit yung kapatid hindi dumalo.

Kaya nga masasabi ko noong mga panahon na iyon na nakikilala niya lahat ng kapatid na dumadalo, mas ano nga non e..mas..maayos yung pagmamantine noon sa mga kapatid hindi kagaya ngayon, sa dami na ng mga kapatid na hindi mo na nakikita, maaaring meron na ngang nawawaglit na hindi na napapansin na hindi na dumadalo. Pero nung panahon na iyon nung si Bro. Eli pa ang nandito sa Pilipinas, lahat ng kapatid nyo namomonitor noong mga panahong iyon na ako ang naghahawak ng records noon, pagkatapos, ang iba pang nakatulong ko sa records si Bro. Robin Salonga at si Sis. Odinah Dungo at yung isang kapatid na Shiela na taga Bulacan. Sila ang natatandaan ko, sila lang yung mga kapatid na nakatulong ko sa records.

At wala akong natatandaan na kapatid na mag asawa na nakatulong ko sa record. Bakit? Kasi kami sa records noon, kaya kami pumupunta sa Apalit noon para mag asikaso ng papel voluntary ‘yon.

Wala kaming inaasahan na sweldo doon na kaya kami titira doon para sa sweldo -hindi. Boluntaryo yun, kaya karamihan ng mga katulong ko noon sa record, puro kabataan at bagaman ganon, si Bro. Eli, hindi niya pinababayaan yung mga katulong niya na walang allowance. Linggo linggo yun, binibigyan niya kami lahat ng allowance noon. Ang nagbibigay sa amin ng allowance noon noong wala pa si Bro. Alex Adora—yung kasama niya ngayon, si Bro. Mario Yunto, siya yung taga pagbigay ni Bro. Eli noon, sila yung nag a..nag a allot noon sa mga tao. Tapos inaabot yun sa isa, lahat binibigyan kaya walang nawawaglit noon kasi namomonitor na namin yon dun sa mga pinagbibigyan ng allowance na pinabibigay ni Bro. Eli.

Kaya hindi totoo na yung mga katulong sa records at tsaka pag aasikaso sa mga dokumento e..hindi nabibigyan ng kahit panggastos linggo linggo dahil wala naman talaga kaming inaasahang sweldo no’n. Tapos, ang mga records na inasikaso ko noon na ipinagtiwala sa akin ni Bro. Eli, unang una yung mga reperensiya na ginagamit sa diskusyon, yung mga ginagamit sa tv. Siyempre nagre research kami, yun ang inipon ko yun yung ginawa naming library yon.

Pagkatapos noon, yung mga logbook na isina submit sa SEC yun ang inaasikaso ko rin noon. Pagkatapos noon, yung mga sulat nung mga nakikinig sa radyo at yung mga nanonood noon sa noon sa tv, kami rin ang nag ayos non. Pagkatapos noon, nagsimula na kaming gumawa ng biodata para yung kapatid, lalong ma monitor kasi simula 1993..mula 1993 pataas, nagsimula ng dumami yung kapatid at para maasikaso lahat, unti-unti, inaayos na yung sistema para sa talaan ng mga kapatid. Pagkatapos no’n, kami rin yung mga nagpapadala ng mga teksto para sa abroad, kami rin yung nagpapadala ng mga tekso para sa abroad para yung mga kapatid naman, hindi naman sila..ah..lumipas yung panahon na wala silang nakikinig na aral at saka sila yung nakikipag communicate mismo kay Bro. Eli sa sulat. Ipinadadala lang namin.

Pagkatapos nun, nung mga bandang 1996..97, pataas, 96..97, nakatulong ko na ang..naging papel ko naman sa iglesia noon, pinagtiwala sa akin ni Bro. Eli yung pag aasikaso naman ng dokumento sa lupa. Dokumento naman sa lupa ang inaasikaso ko noon. Hindi na ako masyadong nag aasikaso noon ng mga dokumento ng talaan ng mga kapatid ng mga 1997..98, kasi ang inaasikaso ko na noon, dokumento sa lupa, pagbabayad ng buwis sa Apalit at tsaka nung pagbabayad ng buwis sa ibang mga lugar, yun ang inaasikaso ko noon at tsaka isisnasama ako ni Bro. Eli noon, nakikipag usap kami noon doon sa mga financer na nagbibigay ng loan sa kanya sa banko, sa mga personal na tao, dun sa kompanya dun nga sa nahiraman natin ng pera noon don sa…Tarlac, yung may ari ng MS, may ari ng MS Commercial, yun, kasama rin ako nun. Kaya simula noon, hindi ko na masyadong tinututukan noon yung ah..dokumento ng mga kapatid. Meron ng ibang na assign doon, yun nga yung gumawa ng AMS, sila na yung nag computerize simula ng malipat tayo sa bagong pasalamatan nung 2000…1990…1990..6.

Yun, simula 1997 pataas hanggang 2000 hanggang ako’y mag asawa, ang inaasikaso ko na noon yun ngang papel sa lupa, papel sa loan—yun ang inaasikaso ko na nung panahon na iyon. At saka yung ibang mga dokumento na isina submit sa SEC, mga legal na mga dokumento natin, yun ina-assign sa akin. Kaya yung sinasabi nung..nagpapakunwari na ano..na..ayon dito sa binigay na report, meron daw..meron na naninira kay Bro. Eli, ang ipinapakalat na pangalan niya “Lioncrypt,” ang code niya, Lioncrypt” na sinasabi niya rito, ah…napansin ko lang dito, ito sa mga sinulat niya, ang una, sabi niya rito, siya raw ay mahigit na sampung taong kapatid sa iglesia.

Sampung taong kapatid sa iglesia..at sinasabi niya rito, may asawa siya, yun ang sabi niya, kaya lang napansin ko rito sa ginawa niya dun sa may bandang huli, meron section dito na sinabi niya, kasi nung sinasabi niya na naanib daw siya sa Iglesia ng Dios na pinangungunahan ni Bro. Eli, may asawa na siya dito, pero dito sa claim niya, na siya rin ang nagsulat, dito sa claim niya, as early as seven years old, as early as seven years old, e..ito dito sa nilagyan niya na pag-anib sa Iglesia ni Cristo na nakalagay dito na as early as seven years old, nagka-interes na raw siya sa pagbabasa ng Biblia.

Tapos as early as five years old, nakalagay dito, eto..basahin ko yung sinabi niya dito.. “una akong nagka interes sa Biblia noong ako ay pitong taong gulang pa lamang, pero di ako..ano?…pero di ko maintindihan kaya mga drawing lang ang kinatutuwaan ko, subalit nong mapanood ko ang Iglesia ni Cristo noong panahong yaon, ibig sabihin, seven years old pa lang siya, nanonod na siya ng Iglesia ni Manalo..Iglesia ni Cristo ni Manalo. Sabi niya rito, tandang tanda ko pa ang sabi ng ministro sa tv..ibig sabihin, as early as seven years old, e, natatandaan niya na yung sinasabi nung ministro sa TV nung Iglesia ni Manalo.

Sabi rito, kapag daw ang paniniwalang pang relihiyon ay walang batayan sa biblia dapat itakwil. Isipin mo natatandaan niya yun nung seven years old siya. Ilang taon na kaya siya ngayon? Sabi niya rito, tiningnan ko sa bibliang dala ko, nakasulat nga, isipin mo, seven years old pa lang siya, marunong na siyang magbasa ng bibia? E di ba yung seven years old, grade one yun, kung di ako nagkakamali?

Ano bang itinuturo sa grade one? Yun bang grade one marunong ng magbasa ng bib..marunong na agad magbasa? Mukhang imposible yun! Kwento lang yung ginagawa niya. Kasi as early as seven years old, nabasa na niya ang biblia na ang sabi niya hindi raw niya maintindihan nung una, pero ng marinig daw niya yung ministro, e, binasa raw niya sa biblia at nakasulat raw pala sa biblia yung sinabi ng ministro. Dito pa lang makikita na ginawa gawa niya lang ito. Tapos, ang sabi pa niya rito, a..komo raw nabasa niya yun, ang sabi niya, tiningnan ko sa bibliang dala ko, nakasulat nga, kaya nalaman ko na ang pagrorosaryo ay wala sa biblia kaya dapat itakwil. Isipin mo as early as seven years old, naiintindihan nya na iyon na ang pag-rorosaryo daw e wala sa biblia e samantalang yung..yung seven years old, grade one po ‘yon. Dapat nating tandaan.

Tapos ang sabi pa niya dito, ah, di, sabi pa niya dito, as early as seven years old, ang pagrorosaryo daw, wala sa biblia kaya dapat itakwil. Tapos sabi rito, komo grade five pa lang ako noon, isipin mo five..seven years old pa lamang siya, grade five na siya. Para yatang (Laughs) wala sa..wala sa hulog ‘yong gumawa nito. Sabi rito, seven years old siya nung mapanood niya yun sa TV yung iglesia ni Manalo. Tapos nung seven years old siya, nakinig niya, narinig daw niya yung sinabi ng ministro na kapag walang batayan sa biblia, dapat itakwil kaya nalaman niya na ang pagrorosaryo ay wala sa biblia. Tapos sabi rin niya kasunod, komo grade five pa lang ako noon, meron po ba kayong natata..Meron po ba kayong kakilalang grade five, seven years old? Parang imposible yun sapagkat (Laughs).

Oo. Grade five, seven years old nung mga panahon na iyon. Nung panahon po na iyon, kung ito e ka edad ko, nung panahon na iyon nung nag aaral ako, wala pa noong kinder. Ang pagpasok talaga noon ng grade one, six-and-a-half years old tsaka seven years old – grade one yun. Para ka maging grade five, dapat atleast plus four years, kasi grade one ka, seven, dapat mga ten o eleven years old ka na. Pero sabi niya rito, seven years old daw siya, grade five siya. Kasi sabi niya komo grade five pa lang ako noon, hindi ko alam kung paano sumamba sa Iglesia ni Cristo. Bagaman, napakalapit ng local doon sa pinapasukan kong eskwelahan. Isipin mo, grade five pa lang ito, gusto ng sumamba sa Iglesia ni Cristo! Matindi ‘to!

Ito. Nahadlangan pa ..ano, nahadlangan pa ako ng magulang ko. Yan ang pinagsisisihan ko sa buhay ko – na hindi agad ako naanib sa Iglesia ni Cristo. Ibig sabihin, dito sa punto ng pananalita niya, e grade five pa lang pala, e, tumatanggap na sila ng kaanib sa Iglesia ni Cristo. Kasi kung hindi siya hinadlangan ng magulang niya, e, as early as grade five, e, Iglesia na ni Manalo na siya. Yun ang sinasabi niya rito. Hindi niya naiiintindihan yung sinusulat niya!

Kasi, sabi dito, grade five pa lang daw siya, pinigilan lang siya ng magulang niya, pero pinagsisisihan daw niya dahil dapat nung mga panahon na iyon dapa kaanib na siya sa Iglesia ni Manalo. Ibig sabihin, kaya ko po sinasabi ito, kasi, ahm..marami siyang paninirang sinasabi kay Bro. Eli na komo ang records daw noon, e, binabanggit pa niya yung pangalan ko, sabi niya dun sa ginawa niya..ang ginawa niyang paninira kay Bro. Eli, ahm..nakausap ko daw siya, at pati daw yung asawa niya nagkaroon ng access sa record, na meron siyang binabanggit dito na..teka ha. Tingnan ko yung mga binabanggit niya tungkol sa akin dito.. sabi niya nakausap ko raw siya. At sa halip daw na ibigay ko yung hinihingi niyang records, e ako pa raw ang nagpatulong sa kanya para ayusin ang records ng iglesia. Parang imposible yata yun!

Bakit? E kasi yung panahong maghawak ako ng records ng iglesia, konti pa lang ang kapatid noon. At tsaka marami na kaming nag-aayos ng records ng iglesia bukod pa nung dinatnan ko, may sistema na record ng iglesia. Hindi na kailangang ayusin ng iba. Kailangan lang na ipagpatuloy yung records na existing na at tsaka dagdagan yung biodata dahil siyempre, nadadagdagan yung kapatid, dumadami yung records.

Pero para sabihin na wala raw record ang iglesia. Bakit nakita ba niya lahat ang records ng iglesia? Baka kung makikita niya lahat ng records ng iglesia, e, hindi kakasya sa isang kwarto. Ang library naming noon, alam nyo po kung gaano kalaki?
Ang library lang namin noon, na masasabi mong yun ang hawak naming records, maliit na kwarto lang siya e. Siguro..dalawa nito ang laki (demonstrating the room).

Ganyan kalaki siya..ng mga..ang mga..ang ..siguro..mga..tatlong 3 x 3 na dipa. Mga three by three meteres ang laki noon na ang books..ang shelves lang noon, dalawang magkasangang shelves na ganun. Siguro, pag may nakita akong pictures na doon sa mga records namin, tingnan ko, magdadala ako ng pictures nung..may ano, pictures kami noon eh. Yung mismong library namin e, na ang laman lang noong record..record room namin na iyon, karamihan noon mga magazine, librong ginagamit sa diskusyon, kasi para magdidskusyon si Bro. Eli, hindi na hahagilapin kung saan-saan, yun ang inipon namin. Tapos ang record ng mga kapatid noon komo konti pa lang, isang logbook pa lang ang hawak naming nun, andun na lahat ng pangalan ng kapatid. Anong aayusin naming record dun e, isang logbook pa nga lang, andun na lahat ng kapatid? (Laughs). Kaya hindi totoo yung sinsabi nito na wala daw record ang iglesia.

Magulo daw ang record ng iglesia..walang record. Ano kayang magulo dun, e isang logbook nga lang andun na lahat yung pangalan ng mga kapatid? At yung record na ‘yan, alam ko, existing yun, nandun yun sa ADDCIT kung gusto ninyo makita na logbook na ‘yon, pwede nyong makita yon sa ADDCIT, pwede nyong hiramin yun. Pwede nyong ipakita yung logbook na iyon. May tatak yon ng SEC sa harap, tapos makikita nyo yon, isang makapal na logbook na..yung ordinaryong logbook lang siya. Ang kulay..ang kulay niya..light blue. Record book siya. Ayun! Record book. May tatak lang siya ng SEC sa harap, yun na nandun na lahat yung mga listahan ng mga kapatid nung panahon na ‘yon. Kaya walang kailangang ayusin.

Ngayon, ang maaaring sinasabi niyang magulo, kasi yung mga local, nagsisimula pa lang mag ayos, noon pa lang nagtalaga ng mga secretary.. noon pa lang nagtalaga ng mga presidente ng local dahil noon pa lang dumadami yung mga kapatid sa mga local noon. Noon pa lang nag-aayos. Pero, para sabihing wala raw records ang iglesia, imposible ‘yun! Simula 1980, meron na tayong maayos na record na nakatala sa SEC. Bakit? Nun pa lang 1990, si Bro. Eli mismo yung nag aayos ng pagsa-submit ng mga dokumento dun sa SEC. Yung General Information Sheet natin. Meron na tayong record nun. Tapos yung talaan ng mga kapatid na isina-submit sa SEC, si Bro. Eli mismo ang nag-aayos nung mga panahon na iyon kasi, siya yung nakakaalam nun. Wala pa siyang masyadong gaanong kasama noon na nakapaglalakad noon. Siya mismo ang nag-aayos nun sa SEC. Kaya hindi totoo na wala tayong mga maayos na record nun at wala raw tayong record. Kung wala tayong record, e, wala na tayo ngayon siguro, kung totoo yun.

Pero sa totoo niyan, ako, aaminin ko, ang nahawakan kong record ng iglesia, wala pang one fourth. Wala pa. Kaya kung totoo ang sinasabi niyang nakilala niya ako, nakasama niya ako, ang nahawakan at nakita niyang record, mas marami yung nakita ko, pero ang nakita ko, wala pang one fourth. E, ano yung sinasabi niya kaya doong walang record? Wala daw record ang iglesia? Siyempre, ang major parte ng record ng iglesia, lalo na yung mga testimonya ng mga kapatid, yung mga pagtatapat ng kapatid na mga personal, at tsaka yung mga maseselang mga dokumento ng iglesia, hindi naman yun ipinapahawak sa kahit sino yun e. Hindi inilalabas yun dun sa talagang lalagyan.

At ang nakakaalam lang noon, at ang may access lang doon, dalawang tao lang ang sa nalalaman ko: si Bro. Boy Dimalanta at tsaka si Bro. Eli mismo. Kahit ako, wala akong access dun sa talagang mga record na iyon. Wala. Nagkakaroon lang ako..nakikita ko lang iyon pagka sasabihin ni Bro. Eli, o, kunin mo ‘yung ganito, kasi dadalhin natin, meron tayong lalakarin. ‘yon hahawakan ko lang. Pagkatapos nun, ibabalik ko din sa kanya kasi siya ang nagtatago nun. Yun ang totoo dyan. Tapos yung sinasabi pa niya rito, na..wala daw sweldo, kaya raw di maayos yung record, kasi, wala raw empleyado na may sweldo. Yun ang sabi niya rito. Eh, imposible nga pong mangyari yun e. Bakit po? E, hindin naman kami pumunta roon para tumulong sa iglesia para manghingi ng sweldo! Dahil alam namin, nung una pa man, nung bago pa man kami maanib sa iglesia, kaya kami nag-iglesia para magsakripisyo.

Ang ipinasok naming sa iglesia ay kaligtasan at ang kasama nung kaligtasan ay pagsasakripisyo. Noong panahon na iyon, yung mga nakakasama ko sa records noon, yung iba roon, may mga trabaho ng mga sarili, kaya hindi nangangailangan ng sweldo. Pero bagaman ganoon, si Bro. Eli, tinitiyak niya na linggo linggo, merong allowance na nabibigay dun sa mga taong katulong niya. Hindi niya pinababayaan yun. At hanggang ngayon, yun pa rin ang ginagawa ni Bro.Eli. Lahat ng katulong niya, meron yang ibinibigay siya dyang panggastos, dun sa pangangailangang personal. Hindi niya pinababayaan ‘yun.

Tapos bukod pa diyan, ahm..sinasabi niya rito, mag-asawa raw sila na may access sa record. Yung asawa nya raw, sa dibisyon. Sa dibisyon. Tapos ang isa pang katakatakang nakita ko rito, sabi niya,a..sampung taon daw siyang kaanib sa iglesia. Naging division officer, napunta sa records, napunta sa ADDPro, napunta sa PSG, napunta sa CIS, napunta sa LPG. Ang ipinagtataka ko rito, sa tanda ko po sa iglesia, para po sa kaalaman nyo, ako po ay mahigit dalawampung taon na sa iglesia. Ngayon mga dalawamput dalawa, magdadalawaput tatlo na dahil 1990 ako nabawtismuhan. Pero wala po akong samahan sa iglesia na LPG. Wala nun. (Giggles). Ang alam ko, merong PSG. Lately na lang yung PSG tsaka yung CIS eh. Lately na lang yun eh. Ah, yung ADDPro, alam ko, meron nun. Yung division officer, kailan lang yung division officer nung magkaroon na ng mga division, pero wala pa rin nun, kasi dati, ang unang may hawak sa mga division, wala pang division officer, ang mga may hawak diyan ay yung mga OIC. Siya yung pinaka division officer ng mga division.

Kelan lang din yung mga division officer. Pero ang pinagtataka ko talaga dito yung LPG. Kahit kalian sa kasaysayan ng iglesia simula ng maanib ako, walang samahan sa iglesia na tinatawag na LPG. Ang kahulugan daw nung LPG niya dito e, Loyal Presidential Guard. Loyal Presidential Guard, para bang merong hindi loyal na presidential guard (Giggles). Kaya yun ang isa, ano yun.. hindi totoo yun na merong ganong samahan.

Tapos kung meron na siyang sampung taon na siyang kaanib sa iglesia, pinagdaanan niya raw yung posisyon na ito. Parang nakakapagtaka, division officer, naging record, naging ADDPro, naging PSG, naging LPG, naging CIS. Imposible ito. Hindi laha..hindi ito totoo. Tapos sabi pa niya rito, naging part pa raw siya ng Dalaw Tupa at ang binabanggit pa niya dito, yung pangalan ng kapatid ni Bro. Eli, si Bro. Narcing Soriano sa Oplan Dalaw Tupa, si Bro. Narcing po, hindi naman siya nagdalaw tupa. Kung nagdalaw tupa man siya, siguro siya ang makakasagot nito. Hindi naman siya nag Dalaw-Tupa sa Pampanga . Hindi.

Kung sa Pampanga siya nakatira, tapos nagdadalaw..nagdadalaw..nag Oplan Dalaw Tupa siya, e yung Oplan Dalaw Tupa, e kelan lang lang rin yun e. Yung mga panahon na iyon, wala namang Dalaw Tupa e. Wala. Kasi nga ang kapatid noon, lingap lahat. Kung meron mang mga kapatid na hindi dumadalo, hindi Oplan Dalaw Tupa noon. Wala pang oplan dalaw tupa noon..noong panahon na iyon. Tapos sabi nyo rito, ang claim niya, pag daw member ka, kapag member ka daw, halimbawa, ng sa dibisyon, automatic, member ka na rin ng mga sensitive group na kahit na walang training? Imposible yun. Bakit po?

Bago po maging member ng mga maseselang group, ng grupo sa iglesia, dumadaan po iyan sa pag-susuri. Una, inaalam yung background niyan. Ang namamahala po dyan sa sa pagpili kung sino ang magiging member, hindi naman basta kung sino lang. Ang namamahala po diyan, si Bro. Rick Erese. Si Bro. Rick Erese po, mataas ang rango sa pagka pulis. Hindi naman siya pag..a..pulis na tulog sa pansitan na kahit sino na lang pipiliin. Hindi po. Kaya yung sinasbi niyang member agad ng sensitive group kahit walang training, imposible po ‘yon. Bakit? Kasi alam ko kung saan sila nag ti- training eh. Papanong walang training eh..bago sila mapili, magdadaan muna sila sa training. Siyempre, tuturuan sila ng mga basics. Tuturuan sila ng kung ano ang dapat nilang gawin. Hindi po totoo yun na wala pong training at automatic, kasama agad sa sensitive group. Eh, bakit pa tinawag na sensitive group kung lahat naman pala pwedeng sumali? Parang wala, wala sa logic yun.

Tapos sabi pa po niya rito, ito..ito ang isang talagang halatang halata na may nagtuturo sa kanya nito. Sabi niya rito, ang claim daw ng maraming mga nanlamig sa iglesia, at umalis sa organisasyon dahil daw sa maling turo. Maglitaw siya ng isa—kahit isa lang na umalis sa iglesia ng dahil sa maling turo. Sige. Maglitaw siya ng isa. Kasi ito, hindi ito totoo. Hindi totoo. Maaari, ang isa kaya humiwalay sa iglesia, ano lang naman yan e, dalawa lang yan e. Ang isang dating kaanib sa iglesia, unang-una, may ginawang mali. May ginawa siyang masama na naging dahilan kaya siya nahiwalay siya sa iglesia. Halimbawa, kagaya ni Bernardo Santiago, si Bernardo Santiago, kasabay kong nabawtismuhan noong March 30, 1990 kaya kilala ko yan. Kilala ko talaga yung ugali niyan, niyang tao na ‘yan. Kaya nahiwalay sa iglesia yan, may ginawang mali, di ba? Yung mga nakasama niyang nagpunta roon, si Daniel Veridiano – si Puto.

Ba’t ba nahiwalay sa iglesia? Dahil ba sa maling aral? Hindi! Dahil nadiskubre yung ginagawa niyang mali kaya siya nahiwalay. At kasama pa nung mga iba, kaya sila nahiwalay, alin man sa gumawa sila ng mali, o kaya ipinadala sila ng Iglesia ni Cristo, tapos kunwari, hihiwalay sila. Yun lang ang dahilan nun. Pero para sabihin na dahil sa maling turo, sige, maglitaw kayo ng makakapag..makakatindig diyan na humiwalay dahil sa maling turo. Iyan, may nagsabi lang sa kanila niyan, kaya isinulat iyan. Tapos sabi pa rito, sabi rito, mas marami daw yung lumalabas sa iglesia kesa sa pumapasok. Ito, isa pa rin itong imposible. Mas-marami daw yung lumalabas sa iglesia kesa sa pumapasok. Ako po, may hawak ako na talaan ng mga kapatid ng mga panahon na iyon. May nahawak ako nun.

At pwede kong ipakita sa inyo ang survey kung gaano karami yung lumalabas at kung gaanong karami yung pumapasok. Kaya nga po lumipat tayo nung 1996 dito sa Convention Center dito sa Sampalok kasi hindi na tayo kasya dun sa dating pinag-gaganapan. Paanong mangyayaring mas marami yung umaalis kesa sa pumapasok. At ang marami ngayon, makikita nyo po, kung meron mang lumalabas sa iglesia, meron mang tumitigil, ilan lang yun. Kaprasong kapraso yun kumpara dun sa pumapasok. At iyan naman, hindi naman kailangan ng ipagtanong ‘yan. Ang samahan ng iglesia ngayon, laganap na tayo ngayon sa buong mundo. Karamihan ng mga bansa, meron tayong programa.

Merong mga kapatid na sumusulat, na gustong sumama sa pagsasama samang pinamumunuan ni Bro. Eli. Kaya ito, gawa gawa naman ito. Ito. Isa pa rito, ay itong araw. ‘Yung record daw ng mga kapatid, magulo daw—ang record ng mga kapatid. Sabi ko nga sa inyo kanina. Paano magiging magulo, eh nung hawakan ko yung record ng iglesia e, isang logbook pa lang, kasya na yung mga kapatid. Kasya na lahat dun.

Papano magiging magulo ‘yon? Kahit pagbali-baliktarin mo yung logbook na iyon, hindi siya magiging magulo. Kasi, nagsimula lang naman tayong dumami ng dumami at kahit nung dumami na tayo, e, kalooban ng Dios na nung panahon na dadami na tayo, sumikat na yung internet eh. Bakit? Alam ng Dios kelangan natin yun. Kelangan natin ang internet para ma maintain yung record nung mga kapatid at nagamit naman natin.# (Please read Video III for continuation)

Advertisements

Pages

November 2017
M T W T F S S
« Feb    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Categories

Top Clicks

  • None

Pages

Blog Stats

  • 64,641 hits